UAAP | National University Bulldogs kampeon sa UAAP men’s volleyball

Manila, Philippines – Dinurog ng National University ang defending champion Ateneo De Manila sa apat na sets sa game 2 para tanghaling kampeon sa Men’s volleyball tournament ng UAAP Season 80.

Kinumpleto ng Bulldogs ang pagwalis sa Blue Eagles sa best of three title series sa score na 25-20, 31-29, 22-25 at 33-31 para wakasan ang tatlong taon na pagiging runner-up sa torneo.

Bukod sa magandang opensiba ng NU hindi nakatulong sa Ateneo ang marami nilang error sa paghahangad nilang maextend pa sa game 3 ang serye.


Tinanghal na Finals Most Valuable Player si Brian Bagunas matapos makapagtala ng 22.5 points sa dalawang panalo ng Bulldogs.

Facebook Comments