UAAP – Sumandal ang National University kay Jaja Santiago para maitakas ang 26-24, 19-25, 22-25, 25-17, 16-14 na panalo kontra defending champion De La Salle University sa Women’s Volleyball Tournament ng season 80 ng UAAP.
Umiskor ng 27 points mula sa 20 attacks, apat na block at tatlong aces si Santiago para ipalasap sa Lady Spikers ang kanilang unang talo sa apat na laro.
Dahil sa panalo nasa unang puwesto ngayon ang Lady Bulldogs sa kanilang apat na panalo at wala pang talo sa torneo.
Nagwagi rin ang University of Santo Tomas kontra Adamson 25-20, 25-21, 14-25, 25-22.
Facebook Comments