UAAP81 | Pangarap na makapasok sa Final 4, buhay pa para sa Fighting Maroons at Bulldogs

Manila, Philippines – Nananatiling buhay pa ang pag-asa ng University of the Philippines at National University na makapasok sa Final 4 sa men’s basketball tournament ng Season 81 ng UAAP.

Nagtala ng triple double si Juan Gomez De Liano para buhatin ang Fighting Maroons sa 94-81 na panalo kontra University of the East Red Warriors.

May 15 points, 12 rebounds at 12 assists si De Liano para sa ikaapat na panalo ng UP sa siyam na laro.


Sumandal naman ang Bulldogs sa tambalan ng mga rookie na sina Dave Ildefonso at Troy Rike para patahimikin ang UST Growling Tigers, 69-61.

Umiskor si Ildefonso ng 16 points habang may 13 naman si Rike para putulin ang three-game winning run ng UST.

Ito ang ikatlong panalo ng NU sa siyam na bakbakan.

Dahil sa talo, bumagsak sa ikalimang puwesto sa team standings ang UST katabla ang UP.

Facebook Comments