Manila, Philippines – Halos wala pang isang linggo matapos makuha ang pangatlong puwesto sa Final Four, nakamit naman ni Bright Akhuetie ang Most Valuable Player award sa men’s basketball ng UAAP Season 81.
Si Akhuetie ang unanimous choice matapos tapusin ang elimination round ng may 18.9 points, 14.6 rebounds at 2.8 assists kada laro sa kaniyang unang season sa UAAP.
Dahil dito nakapagtala ng 82.5 statistical points si Akhuetie, na may six points na lamang kay Ateneo Blue Eagles Angelo Kouame na may 76.21 statistical points.
Ito ang unang regular season MVP award ng isang Fighting Maroon simula noong 1969.
Si Fort Acuna ang huling UP player na nakakuha ng MVP Award samantalang si Eric Altamirano naman ang huling Finals MVP ng UP nang magkampeon sila noong 1986.