UAAP Season 81 Volleyball Tournament, aarangkada na mamayang hapon

63

San Juan City – Aarangakda na ang UAAP Season 81 Volleyball Tournament mamayang hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Buwenamanong maghaharap ang University of the East Lady Red Warriors at University of the Philippines Lady Maroons sa ganap na alas-2 ng hapon.


Susundan naman ito ng laban ng Far Eastern University Lady Tamaraws at ng National University Lady Bulldogs sa ganap na alas-4 ng hapon.

Babandera sa FEU sina Jerili Malabanan, Celine Domingo, Heather Guino-O, Kyle Negrito, Libero Buding Duremdes, Angeli Cayuna, Czarina Carandang at mga baguhan na sina Lycha Ebon, Elize Ronquillo at Lyka Bautista.

Habang mangunguna sa Lady Bulldogs sina Joyme Cagande, Ivy Lacsina, Princess Robles at libero Jennifer Nierva kasama ang mga beteranong sina Roselyn Doria, Audrey Paran at Jonni Chavez.

Facebook Comments

From Advertisers