UAAP Season 82 basketball tournament, aarangkada na!

Nag-umpisa na ngayong araw ang UAAP Season 82 Basketball Tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Patuloy na naghaharap sa game 1 ang UST Tigers at UE Red Warrior kung saan nananatiling lamang ang UST hanggang sa third quarter ng laban, 69-52.

Sunod na maghaharap mamayang alas 12:30 ng tanghali ang UP Fighting Maroons kontra FEU Tamaraws.


Isa rin sa pinaka-inaabangan ay ang laban ng two-time defending champions Ateneo Blue Eagles kontra 3rd placer Adamson Soaring Falcons na gaganapin mamayang alas 4:00 ng hapon.

Samantala, dahil sa pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games, 25 araw lang ang ilalaan sa UAAP Season 82 na gaganapin lang tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo.

Facebook Comments