UAAP | Soaring Falcons, Green Archers wagi sa UAAP Season 81

Pinadapa ng Adamson University ang University of the East, 90-76 para maitala ang ikalawang sunod na panalo sa men’s basketball tournament sa Season 81 ng UAAP.

Umiskor ng career high 27 points si Sean Manganti habang may 17 naman si Jerrick Ahanmisin para pangunahan ang Soaring Falcons sa inaalat na Red Warriors.

Nalasap ng Red Warriors ang kanilang ikalawang sunod na talo.


Samantala, sumandal naman sa 6-0 run sa huling isang minuto at 42 segundo ang Green Archers para maitakas ang dikitang 80-76 kontra National University Bulldogs.

May 19 points si Aljun Melecio para sa Green Archers pero ang dalawang clutch na tira ni Justine Baltazar ang nagpanalo sa La Salle.

Ang rookie na si Dave Ildefonso naman ang top scorer sa Bulldogs sa kaniyang 16 points.

Parehong may 1-1 record ngayon ang La Salle at NU.

Facebook Comments