UAAP | Soaring Falcons target ang ika-4 na panalo kontra Fighting Maroons

Target ng Adamson University na maitala ang kanilang ikaapat na sunod na panalo kontra University of the Philippines sa pagpapatuloy ng Men’s Basketball ng UAAP Season 81 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nasa unahan ng team standings ang Soaring Falcons dahil sa malinis na 3-0 na kartada.

Sa kabila nito, sinabi ni Adamson head coach Franz Pumaren na hindi dapat magpaka-kumpiyansa ang koponan dahil mahaba pa ang labanan. Pero aminado ito na dapat lamang na namnamin ng Adamson ang pagiging “surprise” leader nito sa standings.


Matapos manalo sa pagbubukas ng season, nasa two-game losing skid ang Fighting Maroons at nais ng UP na wakasan ito sa lalong madaling panahon sa kanilang laban sa Adamson mamayang alas-kuwatro ng hapon.

Sa unang game naman mamayang ala-una, maghaharap ang defending champion Ateneo Blue Eagles at ang University of the East Red Warriors.

Pakay ng mga Katipunan na masungkit ang kanilang ikatlong panalo laban sa mga taga-Recto na patuloy na wala pang panalo sa torneo.

Facebook Comments