UAAP – Sa isang iglap naging title-contender ang University of the Philippines Fighting Maroons sa darating na season ng UAAP men’s basketball.
Ito ay matapos magdesiyon si NCAA 2017 juniors MVP Will Gozum na maglaro para sa State University.
Dahil dito lalong lumakas ang line-up ng UP dahil makakakapaglaro na rin sa kanila si dating NCAA Seniors MVP Bright Akhuetie.
May average na 13.8 points, 9.9 rebounds, 2.6 blocks at 1.3 assists ang 6’-6” na si Gozum para tulungan ang Mapua Red Robins sa 13-5 win loss slate sa NCAA noong nakaraang season.
Facebook Comments