UAAP | UP Fighting Maroons, UE Red Warriors panalo!

Naging matatag sa mga huling minuto ng laro ang University of the Philippines para talunin ang De La Salle University, 67-61 sa pagpapatuloy ng men’s basketball tournament ng season 81 ng UAAP sa Big Dome.

Lamang ng 14 puntos ang Fighting Maroons pero nakabalik pa ang Green Archer sa laro.

Pero nagpasiklab si Juan Gomez de Liano sa end game para isalba ang Fighting Maroons at putulin ang three-game losing streak ng UP.


Naitala naman ng UE Red Warriors ang kanilang unang panalo ng gulatin nila ang Far Eastern University, 90-65 sa pangalawang laro.

Nagbagsak ng 23-15 run ang Red Warriors sa second half para mailayo ang laro sa Tamaraws.

Ito ang unang panalo ng UE sa limang laro.

Facebook Comments