UAAP │Ateneo Blue Eagles wala pa ring talo; Soaring Falcons wagi kontra Bulldogs

Sports – Nasikwat ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang ikasiyam na dikit na panalo sa season 80 ng UAAP matapos padapain ang NU Bulldogs, 85-72.

Umiskor si Thirdy Ravena ng 15 points habang may 10 naman si Matt Nieto para pangunahan ang Ateneo.

Nakabalik naman sa win column ang Adamson Soaring Falcons matapos nilang talunin ang UE Red Warriors, 66-57.


Ito ang ikaanim na panalo ng Adamson sa siyam na laro. Bumagsak naman sa kartadang 2-7 ang UE.

Facebook Comments