Magdadagdag ng pamumuhunan at negosyo ang United Arab Emirates (UAE) sa Pilipinas dahil sa magandang investment climate sa bansa.
Ito ang inihayag ni UAE Foreign Minister Sheikh Abdullah bin Zayed Al Nahyan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang courtesy call sa Malacañang kahapon.
Ayon kay Abdullah, marami pang areas of cooperation, maaaring buksan ng Pilipinas at UAE na magpapalalim pa ng ugnayan ng dalawang bansa.
Ipinakikita naman din naman aniya ng Pilipinas ang pagiging bukas nito sa mga investors.
Kinilala rin ng Sheikh malaking ambag at suporta ng mga manggagawang Pilipino sa UAE.
Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Abdullah sa pagtulong sa mga Pilipino lalo na sa panahon ng mga krisis at sakuna.
Nais din aniya ng pangulo na mapalawak at mapalalim pa ang relasyon ng Pilipinas at UAE lalo na sa aspeto ng kalakalan.