UAE, nag-donate ng 500,000 COVID-19 vaccines sa Pilipinas

Nakatakdang mag-donate ang United Arab Emirates (UAE) ng kalahating milyong COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, ang UAE ay magbibigay ng vaccine doses na gawa ng Sinopharm ng China.

Dagdag aniya ito sa isang milyong doses na una nang naibigay ng China sa Pilipinas.


Sa ngayon, ang Sinopharm ay hindi pa nabibigyan ng emergency use approval sa bansa.

Ang Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay lamang ng compassionate permit sa Presidential Security Group (PSG) para sa paggamit ng 10,000 doses ng Sinopharm noong Pebrero.

Una nang napaulat na ang Sinopharm vaccine ay may efficacy rate na nasa higit 79-percent.

Facebook Comments