Tumulong ang pamahalaan ngUnited Arab Emirates para sa mga residente ng Albay na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sa impormasyon ng Presidential Communications Office (PCO), dumating kahapon ng umaga ang 50 tonelada ng iba’t ibang uri ng food items at mga gamot.
Sakay ang kargemanto ng eroplano ng Etihad Airways na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang donasyong pagkain at mga gamot ay tinanggap nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, kasama sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, at Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista.
Nagpasalamat si Gatchalian sa kabutihan ng UAE government at ng Royal family.
Sinabi ng kalihim na hiniling ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi sa kanilang pamahalaan na magpadala ng tulong sa Albay.
Agad naman anyang iniutos ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ang shipment ng 50 tonelada ng pagkain at gamot sa loob ng 24 oras.
Dahil dito, sinabi ni Gatchalian na target naman ng DSWD na maipadala ang kargamento sa probinsya aa loob din ng 24 oras.