UAE, tutulong sa pagpapaganda ng Ilog Pasig

Interesado ang United Arab Emirates (UAE) na tumulong sa muling pagbuhay ng Ilog Pasig.

Ito’y matapos makipagpulong si First Lady Liza Marcos sa 𝘊𝘭𝘦𝘢𝘯 𝘙𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴 team mula sa UAE.

Tinalakay sa pulong ang pagsisikap ng pamahalaan na mai-rehabilitate ang Ilog Pasig.


Ayon sa UAE delegation, gagamitin nilang inspirasyon ang rehabilitasyong ginawa din sa ilang mga ilog sa ibang mga bansa tulad ng Seine River sa France at Chao Phraya sa Thailand.

Kasama rin sa pulong ng unang ginang ang Inter-agency council para sa Pasig River Urban Development at si Special Envoy to the UAE for Trade and Investment Kathryna Yu-Pimentel.

Facebook Comments