Ube, in-demand sa ibang bansa

164

Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin ang produksyon ng ube na in-demand ngayon sa ibang bansa.

Pero sinabi ni DTI Export Marketing Bureau Director Senen Perlada, hirap ang mga supplier na maabot ang kanilang target na produksyon dahil sa kakulangan ng mga mapagkukunan nito.


Kailangan ng bansa na maghanap ng lupa upang mapalago ang mga ganitong produkto.

Patok ngayon sa Estados Unidos ang ube ice cream na kanilang ini-import mula pa sa Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers