Uber at Grab, binigyan ng limang araw na ultimatum na magsumite ng kanilang prangkisa bago mag July 26

Manila, Philippines – Binalaan ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang TNVS na Uber At Grab na magparehistro bago ang July 26 deadline na ahensiya dahil kung hindi ay paghuhulihin nila ang kanilang mga Units na tumatakbo sa lansangan.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada binigyan nila ng Ultimatum ng limang araw ang Uber at Grab na isumite ang tunay na bilang ng kanilang mga Units na nag-ooperate sa kalsada.

Paliwanag ni Lizada napagkasunduan sa kanilang isinagawang Technical Working Group na wala ng palugit pa ang ahensiya at kanila nang paghuhulihin ang mga kolurom na Uber at Grab sa July 26.


Giit ni Lizada hindi na mapipigilan ang mga LTFRB Law Enforcers na manghuhuli sa mga Uber at Grab na walang kaukulang prangkisa dahil hindi umano ito makatarungan sa mga Taxi at UV Express na sumusunod sa kanilang patakaran at nagpaparehistro sa LTFRB alinsunod sa isinasaad sa batas.

Dagdag pa ni Lizada na hindi nila sasabihin kung anong paraan ang gagawin nila sa panghuhuli para malaman kung Uber at Grab ang tumatakbo sa lansangan upang hindi makapaghanda ang mga TNVS.

Facebook Comments