Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga driver ng Grab at Uber sa posibilidad na nagagamit sila bilang drug couriers nang hindi nila nalalaman.
Kasunod na rin ito ng pagkakaaresto kay Jovet Atillano at sa nasamsam na 1 milyong pisong halaga ng ecstasy; P180,000 halaga ng shabu, at ilang piraso ng valium at regulated drug na mogadon sa Mandaluyong City noong September 19.
Sabi ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino, hinihikayat nila ang lahat ng Grab at Uber drivers at operators na tiyakin na hindi sila magagamit sa pagdeliver ng anumang kontrabando.
Lumabas kasi sa imbestigayson ng PDEA na ginamit ni Atillano ang serbisyo ng Transport Network Vehicle Service para i-deliver sa kanyang mga customer ang mga iligal na droga na nakatago sa mga package.
Kaugnay nito, humingi ng tulong ang PDEA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para mapigil ang ganitong iligal na gawain.
Kawawa naman kasi aniya ang mga driver na matityempuhan ng ganitong uri ng transaksyon.