Uber at Grab, hindi pa rin maaring bumiyahe na walang Provincial Authority at Certificate of Public Convenience ayon sa LTFRB

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi pa rin maaring bumiyahe ang mga Unit ng Uber at Grab na walang Provincial Authority at Certificate of Public Convenience.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada, itinuring na kolorum ang walang mga Provincial Authority at Certificate of Public Convenience pero magkakaroon umano ng Technical Working Group para plantsahin ang mga gusot sa operasyon ng mga Transport Network Company.

Pero taliwas kasi ito sa pagkakaalam ni Brian Cu, ang Country Manager ng Grab.


Ayon kay Cu, iiral pa rin ang kasulukuyan nilang operasyon dahil wala pang resulta ang pag aaral ng Technical Working Group.

Sinabi naman ni Lizada na nasa 3 hanggang apatnalibo lamang na Units ng Grab at Uber ng ligal na namamasada sa lansangan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments