Uber, pinayagang makapag-operate sa London

London – Pinayagan na ang Transport Network Company (TNC) na Uber na makapag-operate sa London.

Ito ay matapos paboran ng Westminster Magistrates’ Court ang pagbibigay ng 15 month license to operate ang Uber sa British capital

Umapela ang Uber matapos tumanggi ang Transport for London na i-renew ang lisensya dahil sa hindi ‘fit and proper’ ito.


Ikinatuwa ang Uber ang naging desisyon at tiniyak na patuloy na makikipagtulungan sa Transport for London para makuha muli ang tiwala nito.

Ang Uber ay mayroong 3.5 million riders at 45,000 drivers sa London.

Facebook Comments