UBO AT SIPON, PINAKAMADALAS NA SAKIT NA NAITATALA SA BRGY. NAGANACAN

Cauayan City – Dahil sa maulang panahon, madalas na makapagtala ng sakit na UBO at sipon ang Health Center sa Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginang Rachel Lorenzo, Barangay Nutrition Scholar sa nabanggit na lugar, madalas na tamaan ng sakit na ito ay ang mga bata na kasalukuyang nasa elementarya.

Sinabi nito na isa marahil sa posibleng dahilan ng pagkakaroon ng ubo’t-sipon ng mga bata ay ang nararanasang mga pag-ulan nitong mga nakaraang linggo.


Ayon din kay Ginang Lorenzo na nabibigyan naman ang mga bata ng gamot na kanilang kailangan, at nananatili ring sapat ang suplay nila ng gamot para sa mga sakit na ito.

Bukod pa rito, sinabi niya na malaking tulong ang ibinibigay na suplay na gamot ng City Health Office ganundin at ng barangay upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente pagdating sa iba’t-ibang uri ng gamot.

Facebook Comments