UBO PATROL PROGRAM NG LGU DAGUPAN, IBABAHAGI SA IBANG BANSA

Ibabahagi na sa buong bansa ang Ubo Patrol Program na nagmula sa lokal na pamahalaan ng Dagupan na naglalayong labanan ang sakit na Tuberculosis (TB).
Sa gaganaping Big 5 Lung Diseases Workshop na magaganap sa Seoul, South Korea sa darating na November 17-20 sa kasalukuyang taon, ay ibabahagi ni Dr. Jennifer Ann Wi, isang Pulmonology Expert mula sa Philippine Tuberculosis Society, Inc. ang Ubo Patrol Program ng syudad.
Ito ay ipapakilala sa ilalim ng kategoryang ‘Best Practice Primary Care Models’ na maaaring mapabilang sa mga health care programs ng World Health Organization sa Western Pacific Region at Southeast Asian Region.

Layunin ng nasabing healthcare program na labanan ang sakit ng TB sa pamamagitan ng paghahatid ng ang libreng X-ray, medical check-up/consultation at gamot para sa mga may lung ailments or respiratory diseases sa mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments