UFC | Mcgregor, hindi na ulit lalaban

UFC – Matapos ang kumpirmasyong hindi na lalaban muli sa loob ng ring si Conor Mcgregor, naglabas na ng saloobin ang presidente ng Ultimate Fighting Championship o UFC na si Dana White.

Ayon dito, matapos ang pagkatalo kasi ni Mcgregor kay boxing champion Floyd Mayweather Jr. ay hindi na ito nagparamdam kung lalaban pa ito.

Dagdag pa nito na maaaring hindi na lumaban ang Irish fighter dahil sa malaking kita nito kahit natalo ito kay Floyd Jr.


Umaasa pa rin ito sa paglaban muli ni Mcgregor dahil itinuturing pa rin niya ito bilang magaling na UFC fighter.

Facebook Comments