UFC world champion Conor Mcgregor, nagretiro na

Nagretiro na sa Mixed Martial Arts (MMA) si Two-time UFC World Champion Conor Mcgregor.

 

Inanunsyo mismo ito ni Mcgregor sa pamamagitan ng isang twitter post.

 

Taong 2008 nang simulan ni Mcgregor ang kanyang career sa mixed martial arts.


 

Siya ang kauna-unahang UFC fighter na sabay na nakasungkit ng dalawang titulo.

 

Taong 2017 naman nang subukan niyang pasukin ang professional boxing kung saan niya nakalaban si Floyd Mayweather Jr.

Facebook Comments