UFCC, nakulangan sa ikaapat na SONA ni PBBM

Screenshot from RTVMalacañang

Nakulangan ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay UFCC President RJ Javellana, gusto niya sanang marinig mula sa punong ehekutibo ang mga polisiya na may direktang epekto sa sikmura ng bawat Pilipino.

Aniya, kung seryoso si PBBM na sumulong ang bansa lalo na sa larangan ng ekonomiya, dapat ay nakiusap siya sa mga mambabatas na muling buksan ang pag-aaral sa pagbasura sa mga batas na nagpapahirap sa maraming Pilipino.

Giit ni Javellana, tiyak na mabubuhay nang maayos, malusog at masagana ang bawat pamilyang Pilipino kung maibaba nang husto ang bayarin sa kuryente, tubig, sa presyo ng produktong petrolyo at sa sinisingil na toll fees.

Naniniwala ang UFCC na hangga’t umiiral ang ganitong mga batas, mananatili ang pag-hostage ng mga kumokontrol sa buong ekonomiya at magiging sunod-sunuran lamang ang pamahalaan sa dikta ng mga ito.

Facebook Comments