Usapin sa pagluwag ng quarantine protocols sa fully vaccinated na papasok sa bansa, idudulog ng DOH sa IAT

87

Idudulog ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang usapin sa pag-aalis ng facility quarantine sa mga pasaherong papasok sa bansa.

Partikular ang mga pasaherong fully vaccinated at mula sa tinaguriang green countries.


Nababahala si Duque sa bagong polisiya dahil 30% pa lamang aniya ang nababakunahan sa Pilipinas.

Tinukoy ng kalihim ang international airports mula sa mga lalawigan na maliit pa lamang ang antas ng mga bakunado.

Facebook Comments