Ugat ng problema sa terorismo, pinareresolba sa halip na maglunsad ng ‘all out war’ sa Mindanao

Manila, Philippines – Nanawagan si Magdalo Rep. Gary Alejano sa pamahalaan na resolbahin ang ugat ng terorismo sa bansa at huwag ang isinusulong na ‘all out war’ ni Pangulong Duterte.

Naniniwala ito na hindi sagot ang ‘all out war’ sa problema sa terorismo sa Mindanao.

Sinabi ni Alejano na nakita niya ang negatibong epekto ng ‘all out war’ nang magdeklara noon si dating Pangulong Joseph Estrada kung saan isa siya sa mga nasa frontline noon ng gyera.


Marami aniyang buhay ang nasakripisyo hindi lamang sa hanay ng militar at mga sundalo kundi pati na rin inosenteng buhay ng mga sibilyang nadamay sa bakbakan.

Mas lalo lamang titindi ang problema kung itutuloy ang ‘all out war’.

Dagdag pa ng mambabatas, malaking setback sa peace efforts ng gobyerno ang all out war lalo ngayong nagsimula na ang ratipikasyon para sa Bangsamoro Organic Law.

Facebook Comments