Pinaigting pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pakikipag-ugnayan nitong sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagtukoy sa mga target beneficiaries ng food at non-food items.
Ayon kay DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao, sinimulan na ng kanilang field offices ang pakikipag-ugnayan sa mga local chief executives.
May mga isinumite na rin, aniya, silang implementation plan na pagbabatayan kung ilang food packs ang ipamamahagi.
Dagdag pa ni Dumlao, nakikipag-ugnayan na sila sa Armed Forces of the Philippine (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa pamamahagi ng relief packs.
Pero tiniyak naman aniya niya na walang pagkakapareho sa mga pagkain para hindi maumay ang mga benepisyaryo at maibatay ang pagkain sa pangangailangan ng iba’t-ibang antas ng lipunan.