UGNAYAN NG KAPULISAN, SIMBAHAN, AT PAMAYANAN, PINATATAG SA BARANGAY CAYAMBANAN, URDANETA CITY

Matagumpay na naisagawa ang programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) sa Barangay Cayambanan, Urdaneta City, na layuning palakasin ang ugnayan ng PNP, mga lider-relihiyoso, opisyal ng barangay, at mga residente.

Tampok sa aktibidad ang fellowship at spiritual sharing na nakatuon sa pagtutulungan, disiplina, at pagpapalalim ng civic at public engagement.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga lokal na lider at residente sa inisyatiba, na itinuturing nilang mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at mas matibay na samahan sa barangay.

Sa pamamagitan ng programang ito, pinagtitibay umano ang pagtutulungan ng pamayanan tungo sa mas ligtas, mas nagkakaisa, at may gabay na pamumuhay sa Urdaneta City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments