Mas palalakasin pa ang ugnayan sa pagitan ng barangay at komunidad at sa hanay ng kapulisan kasunod na rin sa pagdiriwang ng Police Community Relations Month.
Alinsunod dito ang isinagawang pagsasanay sa pangunguna ng pulisya at mga barangay officials sa Manaoag upang maibahagi ang kaalaman ukol sa naturang adhikain.
Tinalakay ang mga aspeto ng crime prevention, self-defence technique, maging kaalaman ukol sa Gender-Based Violence.
Bilang sa barangay level, ibinahagi ang kaalaman pagdating sa pagproseso ng mga kaso sa Katarungang Pambarangay.
Layon nitong mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa mga komunidad sa pamamagitan ng maayos na ugnayan ng mga residente sa awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









