Ugnayan ng mga pulis sa barangay, mas pilawig pa ng MPD

Mas pinalawig pa ni Manila Police District (MPD) Chief PBGen. Andre Dizon ang magandang pakikitungo ng mga Pulis Maynila sa kani-kanilang nasasakupang barangay.

Ito’y upang mas mapaigting ang peace and order sa lungsod.

Bahagi ng mas pinaiigting na “Ugnayan sa Barangay” ay ang consistent police visibility at patrolling sa mga nasasakupan ng bawat police stations.


Bukod dito, nais ni Dizon na ugaliin ng bawat pulis-Maynila ng barangay and establishment visitation bilang crime prevention at quick response sa oras naman na may pangangailangan ang komunidad.

Kaugnay nito, patuloy rin ang pakikipagkapwa-tao ng mga Pulis Maynila sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong o ayuda sa kaliwa’t kanang outreach program na madalas isinasagawa ng MPD.

Samantala, nakatutok din sa bawat direktiba ni General Dizon ang kanyang command group upang matiyak na ito ay maayos na naipatutupad sa 14 na police stations sa lungsod.

Facebook Comments