Patuloy na palalakasin ng Pilipinas at Amerika ang ugnayan nito sa larangan ng security at defense kasunod ng pagtatalaga sa bagong pinuno ng U.S. Indo-Pacific Command (INDOPACOM).
Nagharap sa pulong sa Malacañang kagabi sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at INDOPACOM Commander Admiral Samuel Paparo at pinagtibay ang pagpapatuloy ng crucial defense and security partnership ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay PBBM, inaasahang masusundan pa ang kanilang pulong dahil maraming kailangang pag-usapan at pagdesisyunan para sa interes sa rehiyon ng dalawang bansa.
Nasa Pilipinas si Admiral Paparo para dumalo sa 2024 Mutual Defense Board and Security Engagement Boad Meeting bukas.
Bago nito ay nakatakdang bumisita ang opisyal sa isang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site, na para sa Pangulo, ay makatutulong para makita ng delegasyon ang totoong sitwasyon sa mga pasilidad.