Ugnayan ng Pilipinas at South Korea, iniangat na sa “strategic partnership”

Inaasahan ang mas matatag at malalim na kooperasyon ng Pilipinas at South Korea matapos magkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at South Korean Pres. Yoon Suk Yeol na iangat sa “strategic partnership” ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang magiging papel ng “strategic partnership” sa gitna ng lumalala at mas komplikadong geopolitical at economic environment.

Kailangan aniyang magtulungan ang dalawang bansa para makamit ang kasaganahan at maitaguyod ang rules-based order alinsunod sa international law.


Bukod dito, pinag-usapan din nila ni President Yoon kung paano patatatagin ang kooperasyon ng Maynila at Seoul sa larangan ng depensa, seguridad, maritime cooperation, ekonomiya, at pag-unlad.

Tinalakay naman ng dalawang state leader ang ilang isyu sa rehiyon at ibang bansa gaya ng West Philippine Sea at Korean Peninsula.

Facebook Comments