Ugnayan ng PNP at Komunidad mas palalakasin pa sa Datu Odin Sinsuat

Mas pinapalakas pa ngayon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang kanilang kampanya at adbokasiya para mapanatili ang katahimikan at katiwasayan sa kanilang AOR.
Hangad rin ngayon ng DOS MPS sa ilalim ng liderato ni Chief of Police Major Romel Dela Vega na mas mapapalapit pa ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Kaugnay nito muling binuo at mas pinalakas pa ng DOS PNP ang kanilang Municipal Advisory Council na pinangungunahan ni Datu Haron Bandila na tumatayong Chairman kasama sina Ret. Army Lt. Roberto Manuel Vice Chairman, Enrico Buenafe, member , Badrudin Salik representante ng Religious Sector, at Jibazul Edref Solayman ng Youth Sector.
Kasama rin sa MAC ng DOS MPS bilang Media Representative ang Anchorman/Reporter ng RMN Cotabato-DXMY na si Dennis Arcon.
Nagpahayag naman ng isang daang porsyentong pagsuporta si DOS PNP MAC Chairman Bandila sa mga magiging inisyatiba at mga programa ng PNP sa komunidad.
Umaasa naman si COP Major Dela Vega na makikiisa sa programa ng PNP at MAC ang mga mamayan mula sa 34 na Baranggay ng bayan ng DOS.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments