Palalakasin pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang ugnayan nito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na magiging facilitator at marketer siya ng mga teknolohiya at produkto ng ahensya na aniya’y nakatutulong nang malaki sa ibang government agecies.
Katunayan aniya, maraming ginagawa ang DOST na hindi lamang masyadong nalalaman ng publiko.
“Marami kaming ginagawa pero dahil sa dami ng ahensya, yung kanilang kwento ay courageously kailangang nating mai-relate ‘yan as assistance para makita na ang daming tulong na pwedeng gawin ng DOST sa DA, sa DENR, sa DTI, sa DOH pati na sa DepEd at sa iba pang departamento,” ani Solidum.
Magiging prayoridad din ni Solidum bilang bagong kalihim ng DOST ang pagpapalakas ng suporta sa mga locally-produced technology sa pamamagitan ng pagbibigay ng entrepreneurship sa mga science technology at engineering graduates.
“Kailangan silang magkaroon din ng entrepreneurship kasi yun ang kailangan natin, ma-convert yung talino at innovation sa talagang magagamit ng mga tao para ma-commercialize para dumami rin ang kita ng bansa, ng sektor,” dagdag niya.
Nilinaw din ni Solidum na nagpapatuloy ang “Balik Scientist” program ng ahensya na malaking bagay para mapataas ang kalidad ng research sa bansa.