Uk Ambassador To The Philippines Asif Ahmad, Pinayuhan Ang Pilipinas Tungkol Sa Pakikipag-Alyansa Sa Russia

26

Pina-alalahanan ni UK Ambassador to the Philippines Asif Ahmad ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa nito sa Russia.Sinabi ito ni Ahmad, matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na idolo niya si Russian President Vladimir Putin at handa siyang sumali sa tinatawag na “new world order” kasama ang China.Ayon kay Ahmad, wala namang masama kung ang pakikipag-alyansa ay para sa ekonomiya pero kailangan ding isipin na mayroong ilang pagkakataon na ang Russia ang nagsimula ng hidwaan sa mundo.Partikular na tinukoy ni Ahmad ang pagsisimula ng Russia ng pambobomba sa Syria at ang pananakop nito sa Afghanistan.

Facebook Comments