Nagsagawa ng joint drills sa Philippine Sea ang United Kingdom at Amerika sa kabila ng nagpapatuloy na tensiyon sa Indo-Pacific region.
Ayon sa UK Royal Navy, pinangunahan ito ng UK Carrier Strike Group’s warships na mayroong 65,000-ton aircraft carrier HMS Queen Elizabeth.
Katuwang rin dito ang USS America-led United States Expeditionary Strike Group 7.
Tatlong squadrons ng F-35B jets ang lumibot sa Philippine Sea na parte ng Western Pacific Ocean.
Tumagal ang joint air drills ng 48 oras.
Maliban sa Royal Navy, sumama rin sa gawain ang Japan’s Maritime Self Defense Force for maritime exercises.
Facebook Comments