UK, hindi pa ikinokonsidera sa ngayon na pasok sa red list

Binigyang linaw ng Department of Health (DOH) na mayroon silang metrics o mga pinagbabasehan upang maisama ang isang bansa sa red, yellow o green list.

Sa press conference sa Malakanyang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kahit na mataas ang incidence rate ngayon sa United Kingdom pero nananatiling mababa ang kanilang 2 week growth rate kung kaya’t hindi pa pasok sa itinatakdang threshold upang mapabilang sa red list ang UK.

Sa ngayon ani Vergeire pasok parin sa yellow list ang UK.


Paliwanag nito, araw-araw ang monitoring ng ahensya sa mga datos lalo na sa ibang mga bansa ito’y upang hindi makapasok sa Pilipinas ng Omicron variant.

Nabatid na patuloy sa pagtaas ang tinatamaan ng COVID-19 Omicron variant sa UK kung saan isa na ang napaulat na nasawi.

Facebook Comments