UK, isinama ang Pilipinas sa “Red List” kontra COVID-19 variants

Isinama ng United Kingdom ang Pilipinas sa “Red List” para protektahan ang kanilang bansa laban sa mga bagong variants ng COVID-19.

Sa video message ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce, magiging epektibo ang travel restrictions alas-4:00 ng madaling araw sa Biyernes, April 9, 2021.

Ibig sabihin, tanging British at Irish nationals o third party nationals, kabilang ang mga Pilipinong mayroong residence rights sa UK ang papayagang makapasok sa kanilang bansa.


Sa ilalim ng guidelines, ang mga Pilipinong maaaring makapasok sa UK ay kailangang sumailalim sa self-isolation o quarantine sa isang government-approved hotel.

Paalala ng British Embassy sa mga planong bumisita sa UK na subaybayan ang kanilang travel advisories sa kanilang official website at iba pang media platforms.

Bukod sa Pilipinas, kasama sa “red list” ang 35 bansa kabilang ang Pakistan, Kenya, at Bangladesh.

Facebook Comments