Magpapadala ang United Kingdom ng 415,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni British Secretary of State for Foreign, Commomwealth and Development and Development Affairs Dominic Raab.
Ang vaccine delivery ay bahagi ng unang batch ng 100 million doses na ipinangako ng UK na ipapadala sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Layunin din nito na mabakunahan ang vulnerable sectors ng population.
Ayon kay Raab, nasa kabuoang nine million vaccine doses ang ido-donate ng UK sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Pilipinas at sa COVAX Facility.
Inaasahang ipapadala ang mga bakuna ngayong linggo at kabilang ang Pilipinas sa mga unang makakatanggap ng vaccine doses.
Nasa limang milyong doses ang ipapadala sa COVAX at apat na milyon sa iba’t ibang bansang nangangailangan.
Aabot naman sa 100 milyong bakuna ang ido-donate ng UK sa Hunyo 2022 at 80 milyon ay mapupunta sa COVAX.