UK, pinag-aaralan ang bisa ng anti-parasitic drug na ivermectin bilang gamot kontra COVID-19

Pinag-aaralan ngayon ng University of Oxford sa United Kingdom kung maaaring gamiting panggamot sa COVID-19 ang anti-parasitic drug na ivermectin.

Sa isinagawang eksperimento, nakita kasing nakatulong ang ivermectin sa pagbabawas ng pag-mutate ng virus at maaari rin nitong mapadali ang paggaling ng pasyenteng may mild COVID-19 cases.

Kaugnay nito, hindi pa rin inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) at mga European at US regulators na gamitin ang nasabing gamot laban sa virus.


Ang ivermectin na ang ika-pitong gamot na isinasailalim sa trial kasama ng isa pang antiviral drug na favipiravir.

Facebook Comments