UKAY FOR A CAUSE SA BAYAN NG BAYAMBANG, ISASAGAWA

Mahilig ka ba sa pre-loved items? I-mine mo na yarn sa isasagawang Ukay for a Cause ng LGU Bayambang nitong lamang darating na ika 8-9 ng Setyembre 2023, alas otso ng umaga sa Balon Bayambang Events Center.
Ang mga pre-loved items na pwedeng mabili sa nasabing bazaar ay mga damit o fashion items, electronic gadgets at marami pang ibang pwedeng pagpilian.
Samantala, layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa mga piling Bayambanguenos na mabibiyayaan ng housing project sa perang malilikom sa isasagawang bazaar.

Saan ka pa Idol! Naka-avail ka na ng pre-loved items, nakatulong ka pa sa kapwa mo! |ifmnews
Facebook Comments