Mas madali nang makikita ang mga ukayan sa San Carlos City matapos isaayos ang Grand Terminal upang mapag pwestuhan ng mga ito.
Nilagyan ng City Market Division ng mga linya ang sukat ng bawat pwesto bilang palatandaan ng mga may-ari.
Ayon sa tanggapan, makatutulong upang hindi na pumwesto sa kung saan-saan ang mga tindero at hindi na rin makasagabal sa kalsada para sa maayos na daloy ng trapiko.
Ang tricycle driver na si Jay, ikinatuwa ang pagsasaayos ng mga pwesto upang hindi na umano maglatag pa sa gilid ng kalsada at maiwasan na magdulot ng disgrasya ang mga ukayan.
Tuwing Sabado ang market day sa lungsod at dumadagsa ang mga mamimili upang samantalahin ang makapag-ukay ng damit, sapatos at iba pang kagamitan sa murang halaga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









