Handang ibahagi ng Ukraine sa Pilipinas ang kaalaman nito sa larangan digmaan at sa cybersecurity.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, personal niyang sinabi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bukas ang kanilang bansa na ibahagi ang kanilang karanasan sa pagharap sa giyera.
Partikular dito ang kanilang digitalization at cybersecurity lalo’t libu-libong beses na umano silang inatake ng Russia.
Nabatid na parehong nahaharap ang dalawang bansa sa tangkang pag-angkin ng teritoryo ng China at Russia.
Kaugnay nito, umaasa ang dalawang lider na makahahanap sila ng mapayapang paraan para maresolba ang territorial dispute.
Samantala, bukod dito ay palalawakin din ng dalawang bansa ang palitan nito pagdating sa agrikultura tulad ng gatas, seed oil, at trigo na mga produktong ini-export ng Ukraine sa Pilipinas.
Habang ang mga in-export naman ng Pilipinas sa Ukraine ay ang integrated circuits at office machine parts.