Ukraine President Zelenskyy: Ukraine, magbubukas ng embahada sa Manila ngayong taon 

Nakatakdang magbukas ng embahada ang Ukraine sa Manila ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa pulong nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong umaga.

Ayon kay Zelenskyy, sa kasalukuyan ay sa Malaysia lamang mayroong embahada ang Ukraine pagdating sa Asya.


Malakas na senyales aniya ito at isang hakbang tungo sa kapayapaan.

Welcome din kay Zelenskyy ang nauna nang posisyon ni Pangulong Marcos sa pag-okupa ng Russia sa kanilang mga teritoryo.

Nagpasalamat pa ang Ukraine President kay PBBM sa suporta nito at donasyon ng Pilipinas sa Ukraine habang patuloy na nahaharap sa epekto ng giyera.

Facebook Comments