
Naging produktibo ang naging courtesy call ni Ukraine Ambassador Her Excellency Yulia Fediv kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III nitong Lunes Aug. 18, 2025 sa Camp Crame.
Tampok sa kanilang pulong ang patuloy na pagkakaibigan ng Pilipinas at Ukraine na nagsimula pa noong 1992.
Pinag-usapan din ang posibleng kooperasyon sa law enforcement at seguridad tulad ng paglaban sa transnational crime, cybersecurity at palitan ng kaalaman at best practices.
Binigyang-diin din ng Pambansang pulisya ang kanilang commitment sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa para palakasin ang kapayapaan, seguridad, at kaligtasan ng publiko.
Sa pakikipagtulungan ng PNP sa Ukraine, mas pinatibay ang layunin na magtulungan hindi lang sa loob ng bansa, kundi maging sa pandaigdigang adhikain para sa kapayapaan at katatagan.









