Natatawa na lang ang Ukrainian singer na si Natalia Dzenkiv na bokalista ng bandang ‘Lama’ matapos itong mahuli sa airport dahil hindi raw tugma ang mukha nito sa edad.
Nagduda ang mga opisyal ng paliparan sa edad nitong 41-anyos at akala nila ay gumagamit ng ibang pagkatao ang bokalista.
Mabuti na lamang ay lumapit daw ang fans ng singer para makipag-selfie at humingi ng autograph na naging dahilan para paniwalaan siya ng mga ito.
Kwento pa ni Natalia, sanay na umano siya sa mga nagtataka sa kanyang baby face, pero hindi nito naisip na made-detain siya dahil dito.
Facebook Comments