Makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila pagsapit ng Huwebes hanggang Biyernes dala ng Bagyong Amang.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Daniel Villamil na ang mga pag-ulan ay magreresulta ng pagtaas ng antas ng tubig sa mga dam.
Malaki aniya ang maitutulong ng mga pag ulan na ito lalo na sa mga dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila kung saan nakararanas ngayon ng mahahabang oras ng water interruption.
Samantala, dahil naman sa Bagyong Amang ayon sa opisyal ay malaking bahagi ng Luzon at Visayas ang makararanas ng bahagyang pagbaba ng temperature lalo na sa dakong tanghali hanggang sa hapon.
Sa kasalukuyan ay wala naman aniya silang namo-monitor na iba pang Low Pressure Area o sama ng panahon na maaaring makaapekto sa alin pa mang bahagi ng bansa.