Hindi sapat ang ulang ibabagsak ng Bagyong Neneng upang matugunan ang kinakailangang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay Roy Padilla, Deputy Administrator ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Association (PAGASA), kaunti lang kasi ang mahahatak na ulan ng bagyo na mararanasan sa gitnang Luzon
Nasa 6–20-millimeter lang ang dami ng ulan na tatanggapin sa Angat Watershed sa loob ng 24 oras.
Magdudulot ito ng 191.20-meter lang na pagtaas ng water elevation sa Angat Dam.
Kulang pa ito ng 18.7 meters para maabot ang spilling level ng dam.
Sa Angat Dam nagmumula ang tubig para sa konsumo ng mga taga-National Capital Region (NCR) at kalapit na lugar.
Ganito rin ang sitwasyon sa San Roque Dam sa Nueva Ecija na pababa ang lebel ng tubig na ginagamit sa paglikha ng kuryente at irigasyon.
Ang may nadagdagan lang ay ang Pantabangan Dam sa Pangasinan na may ibabagsak na ulan na mula
7-17 millimeters sa loob ng 24.