Ulat na aalis na sa PBA ang koponang Alaska Aces, pinabulaanan ni PBA Commissioner Willie Marcial

Pinabulaanan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang ulat na aalis na sa liga ang koponang Alaska Aces.

Sa online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA), nilinaw ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi mag-aalsa balutan ang Aces sa liga at mananatili itong isang matatag na koponan.

Nakausap na rin niya si Alaska Governor Dickie Bachmann na tinawanan lang ang nasabing ulat.


Sa katunayan pa aniya, sabik na sabik na ang koponan sa muling pagbabalik ng season na natigil dahil sa COVID-19.

Ang Alaska ay miyembro ng PBA simula noong 1986 na mayroong 14 championships at pangalawa sa may pinakamaraming titulo.

Facebook Comments